Bakit
Nga Ba Tayo Naghihirap?

Bakit marami ang dumaranas ng isang mahirap na pamumuhay?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit natin nararanasan ang mga bagay na ito? Sino
ba ang dapat nating sisihin tungkol sa nararanasang kahirapan? Bakit nga ba
tayo naghihirap? Bakit di nalang pantay pantay ang lahat? Ang kahirapan ay ang
pangunahing problema nating mga tao lalong lao na sa ating bansa. Kaya siguro
tayo naghihirap ay dahil lang din sa ating mga sarili. Dahil may ibang mga tao
na mas pinipili nila na tumambay at umaasa sa kanilang mga magulang kahit na
sila ay may sarili ng mga pamilya. Batay sa aking mga nakikita ang unang
dahilan ng kahirapan ay ang katamaran nating mga Tao. Wala na man sigurong
maghihirap kung tayo ay responsable, kikilos at magsusumikap. May kasabihan nga
na “Walang mahirap sa taong gustong mangarap”. Katamaran ang nangunguna sa mga
dahilan ng paghihirap nating mga tao. Dahil sa ating katamaran kaya tayo
naghihirap. Marami sanang mga oportunidad na nakalaan pero binabaliwala lang.
May iba na man na may sapat sana silang edukasyon pero hindi nila ginagamit
para makahanap ng magandang trabaho. Dahil may ibang mga tao na wala silang tyaga
na maghanap ng mga posibleng mapapasukang trabaho upang maging paraan kung
paano nila iaangat ang kanilang buhay sa kahirapan na kanilang nararanasan.
Dahil siguro yung iba ay kontento na sa kanilang buhay. Sapagkat maraming mga
kabataan ang walang sapat na edukasyon.

Dahil nga yung iba nilang mga magulang
ay mga iresponsable hindi nila iniisip ang kapakanan ng kanilang mga anak. Kaya
marami dito sa ating bansa ang nahihirapan makahanap ng maayos na trabaho
dahil wala silang sapat na edukasyon kaya yung iba ay nanglilimos sa mga kalye
para lang may makain sila sa pang araw-araw. At yung iba ay sa mga kalye nalang
natutulog dahil wala silang bahay na matitirahan. Kung responsable lang sana
ang ibang mga magulang lalong lalo na sa mga batang kalye ay malamang walang
pakalat-kalat na mga bata sa lansangan na nanglilimos at nakatira sa mga
squatters area. At walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang
makikita natin.

At ang kadalasan nagyon na nangyayari sa ating bansa ay ang
paggawa ng mga masasamang Gawain tulad
ng paggamit at pagbibinta ng mga ipinagbabawal na gamut,pagnanakaw,pagpatay sa
mga inosenteng tao na mahirap lalong lalo na sa may kaya sa buhay para lang
makuha ang kanilang gusto tulad ng pera,mga mamahaling gamit at iba pa. Ang
pangalawang dahilan ng kahirapan ay ang corruption ng ating bansa kadalasan
natin itong naririnig at nakikita sa mga balita maraming mga pulitiko at
mayayaman ang nagnanakaw ng pera sa bayan. Ang mga pera na para sana sa
kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may
kapangyarihan sa pamahalaan. At ang kadalasang nakikita natin sa mga telebisyon
o naririnig sa mga radyo ay maraming mga taong nagtatrabaho sa gobyerno ay
sangkot sa mga iligal na bagay tulad ng pagbibinta ng mga druga na nagdudulot
ng pagkalulong ng mga tao at nag sanhi ng maraming krimen sa ating bansa at
minsan nadadamay pa yung mga inosenteng tao na walang kalaban laban na pinatay
at kadalasan ito rin ang dahilan ng paghihiwalay ng mga pamilya.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento